33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Mahigit 60K senior citizens sa Valenzuela City, nakatanggap ng maagang Pamasko

Patuloy ang pamamahagi ng Valenzuela local government unit ng aguinaldo para sa mga residente, kung saan, aabot na sa kabuuang 67,061 senior citizens ang nakatanggap ng Christmas package gift pack.

Pinangunahan ni Mayor Wes Gatchalian ang ‘Pamaskong Handog para kina Lolo’t Lola’, kasama ang mga city official sa pag-ikot sa 33 barangays ng lungsod upang personal na mamigay ng gift packs at batiin ang mga lolo at lola.

Ang ipinamimigay na custom-made hand-carry bag ng LGU ay gawa ng mga mananahi ng Disiplina Village Lingunan and Bignay, isang livelihood association ng kababaihan, na naglalaman ng dalawang kilo ng bigas, isang kahon na may lamang canned goods, at spaghetti package.

BASAHIN  150 BHWs sa Valenzuela City, sumailalim sa pagsasanay sa TESDA

Nabatid na taun-taong ginagawa ng Valenzuela LGU ang ‘Pamaskong Handog para kina Lolo’t Lola,’ na layong magbigay saya sa senior citizens ng lungsod.

BASAHIN  Dagdag-singil sa kuryente ng Meralco, ipatutupad ngayong Pebrero

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA