Mahigit ₱400-K ‘shabu’ nasabat sa Caloocan

0

Nakumpiska ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Caloocan City Police ang aabot sa ₱414,800 na halaga ng sa ikinasang buy bust operation sa Barangay 118 noong Lunes, Disyembre 4.

Pinangunahan ni OCOP-DEU, CCPS PCpt. Emmanuel Aldana, hepe ng SDEU ang naturang operasyon, kung saan nagpanggap na buyer ang isang aktibong pulis at nakipagtransaksyon sa suspek na may kasamang bata bandang 12:03 ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si alyas Nino, 30-anyos, residente ng Caloocan City.

Narekober mula sa suspek ang transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 61 gramo, isang genuine ₱500 na ginamit bilang buy bust money kasama ng anim na ₱1,000 fake money bilang boodle money.

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek sa Caloocan custodial facility at sinampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

About Author

Show comments

Exit mobile version