Libreng sine, handog ng Bacoor City LGU sa mga senior citizen, PWD

0

Umarangkada na simula nitong Lunes, Disyembre 4, ang free movie screenings para sa mga lolo at lola, at maging sa persons with disabilities (PWDs) sa Bacoor City, Cavite.

Katuwang ng lokal na pamahalaan ang SM City Bacoor at SM City Molino sa pagkakaloob ng libreng sine.

Pinapahintulutan ang mga senior citizen at PWDs na libreng makanood ng sine, isang beses sa loob ng isang linggo.

Upang makapag-avail ng libreng sine, kinakailangan lamang ng mga benepisyaryo na dalhin ang kanilang senior citizen o PWD ID, Special Bacoor Resident Card, senior citizen at PWD booklet.

Paalala naman ng LGU, ang free movie privilege ay hindi kasama sa special screenings, special events, at maging sa pagdaraos ng Metro Manila Film Festival.

About Author

Show comments

Exit mobile version