236K puno para sa mga kabataan, target ng DepEd

0

Kasado na bukas, Disyembre 6, ang isasagawang tree planting activity ng Department of Education (DepEd) bilang Pamaskong Handog para sa mga kabataan.

Binigyang-diin ni DepEd Spokesman at Undersecretary Michael Poa na ang proyektong ”DepEd 236,000 Trees – A Christmas Gift for the Children,” ay regalo ng kagawaran upang masiguro na may clean and green environment para sa mga kabataan at sa mga susunod pang henerasyon.

Layon ng naturang proyekto na isulong ang environmental preservation at itanim sa isipan ng mga kabataan ang environmental responsibility.

Lalahukan ito ng nasa 47,678 pampublikong paaralan.

Kasabay nito, idineklarang walang face-to-face classes at magkakaroon ng asynchronous classes sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa, alinsunod sa DepEd Memorandum No. 69 series of 2023.

About Author

Show comments

Exit mobile version