Pangulong Marcos inimbitahan para sa isang state visit sa Peru

0
203

Inimbitahan ni Peruvian President Dina Boluarte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa isang official state visit sa kanilang bansa.

Ito’y upang gunitain ang ika-50 taong anibersaryo ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Ipinaabot ni President Boluarte ang imbitasyon sa bilateral meeting kay PBBM sa sideline ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa San Francisco, California noong Biyernes.

Nagpasalamat naman si Marcos kay Boluarte, at sinabing inaasahan niya ang pagpunta sa capital city nito na Lima, dahil ang Peru ang magho-host ng APEC sa susunod na taon.

Samantala, hinimok din ng Peru leader si Pangulong Marcos na magtatag ng Philippine Embassy sa Peru, kasabay ng pagbubukas ng Peru ng embahada sa Manila.

BASAHIN  Pagharang ng china sa ating resupply mission, Pumalpak

Nabatid na mayroong 160 Filipinos sa Peru, kung saan karamihan dito ay pawang professionals, sales workers, missionaries at mga estudyante.

BASAHIN  Presyo ng bigas, ipinako sa P41, P45 bawat kilo

About Author