Iskedyul ng driver’s license renewal ikinasa ng LTO; plastic license cards muling gagamitin

Share

IKINASA na ng Land Transportation Office (LTO) ang iskedyul ng renewal ng driver’s license matapos katigan ng Court of Appeals (CA) ang ahensya na magpapahintulot na gamitin muli ang plastic license card.

Kaagad na iniutos ni Atty. Vigor Mendoza II, hepe ng LTO na ihanda na ang proseso ng distribusyon pagkatapos ng Semana Santa na ikinatuwa naman ng mga motorista.

Ipinatigil ng Quezon City Regional Trial Court ang paggamit ng plastic na driver’s license cards at nag-isyu ng preliminary injunction ngunit binaligtad ito ng CA at tinapos ang nasabing pagbabawal.

Batay sa inilabas na pahayag ng LTO, narito ang iskedyul para sa renewal:

  • Para sa mga driver’s license na ang expiration date ay mula Abril 1 hanggang Aug. 31, 2023, at Abril 1 hanggang 30, 2024, ang iskedyul ng kanilang renewal ay mula Abril 15 hanggang 30, 2024.
  • Para naman sa mga driver’s license na ang expiration date ay mula Setyembre 1 hanggang Disyembre 31, 2023, at Mayo 1 hanggang 31, 2024, ang iskedyul ng kanilang renewal ay mula Mayo 1 hanggang 31, 2024.
  • Para sa mga driver’s license na ang expiration date ay mula Enero 1 hanggang Marso 31, 2024, at Hunyo 1 hanggang 30, 2024, ang iskedyul ng kanilang renewal ay mula Hunyo 1 hanggang 30, 2024.
BASAHIN  Dahil sa Laguna jeepney accident, kailangan talaga ang PUVM—LTO

Ayon pa kay Mensoza, inilabas nila ang nasabing iskedyul sa layuning magkaroon ng maayos na distribusyon ngunit nagbabala na expired ang license ng isa kapag hindi siya nag-renew batay sa inilabas ng iskedyul.

“Gagawin natin ang by schedule na processing at claiming para hindi magsiksikan sa mga LTO offices and eventually magkaroon ng order ang processing at distribution,” ang pahayag ni Mendoza.

Matatandaan na kaya ipinatigil ng korte ang nasabing paggamit ng plastic cards matapos magsampa ng kaso ang natalong bidder na Allcards, Inc. laban sa nanalong Banning Plastic Card, Inc. kung kaya naudlot ang delivery ng 3.2 milyon na natitirang plastic cards noong nakaraang taon.

Nagresulta ito sa backlog ng LTO na umabot sa 4.1 milyon na plastic cards dahil 550,000 ang iniisyu ng ahensya bawat buwan.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

7K katao patuloy na umaasa sa industriya ng sapatos sa Marikina

INIHAYAG ni Congressman Marcy Teodoro na umaabot sa 7,000 katao ang sa ngayon ay umaasa pa rin sa industriya ng sapatos kung saan kilala...