Wellness break para sa mga guro, estudyante ipapatupad ng DepEd

Share

INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) na ipapatupad nila ang mid-school year wellness break para sa mga mag-aaral at mga guro mula Oktubre 27 hanggang Oktubre 30, 2025.

Ayon sa DepEd, layon ng inisyatibang ito na maglaan ng oras ang mga titser para makapagpahinga at isagawa ang In-Service Training (INSET) pagkatapos ng break.

Sinabi pa ni Education Secretary Sonny Angara na dapat mabigyan ng pagkakataon ang mga guro at mag-aaral na makapag-recover matapos sunod-sunod na nanalasa ang mga kalamidad kamakailan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Idinagdag pa ni Angara na ang kautusang ito ay direktang galing kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang bigyang pansin ang kalusugan ng mga guro at estudyante matapos tumaas ang kaso ng trangkaso.

“Sa linggo-linggo nating pagbisita sa mga paaralan, naririnig namin ang panawagan ng ating mga guro. Minabuti na natin na mabigyan sila ng oras para magpahinga at magkaroon ng dagdag na oras kasama ang kanilang pamilya,” ang pahayag ni Secretary Angara.

“Marami sa ating mga guro at mag-aaral ang galing sa mga lugar na tinamaan ng bagyo at lindol o may mga kaso ng trangkaso. Kaya sabi nga natin, konting pahinga muna. Mas makakapagtrabaho tayo nang maayos kung maayos din ang pakiramdam natin,” dagdag pa ng kalihim.

BASAHIN  Apela ng mga GOCC, GFI workers group kay PBBM: Benepisyo ibalik

Giit pa ni Angara, maaari umanong ilipat sa ibang petsa o gamitin para sa ibang aktibidad ng mga paaralan at dibisyong nakapagbayad na ng venue o pagkain para sa INSET sa panahon ng break.

Pero kung hindi ito posible, maaaring ituloy ang mga aktibidad sa boluntaryong paraan at ang mga guro na boluntaryong sasali ay hindi na kailangang dumalo sa katulad na pagsasanay sa ibang bahagi ng taon.

Ang INSET ay isang professional development program na tumutulong sa mga guro at school leaders na paunlarin ang kanilang kaalaman, kasanayan, at mga pamamaraan sa pagtuturo.

Sa pamamagitan nito, nananatiling handa at may bagong kaalaman ang mga guro sa mga reporma at inobasyon sa kurikulum upang mapaangat ang kalidad ng pagtuturo at pagkatuto.

Magbabalik ang klase sa Nobyembre 3, 2025, matapos ang paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

‘One Education’ inilunsad ng DepEd, CHED, at TESDA

INILUNSAD ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang “One Education” sa ginanap...