33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Pahinante kulong sa baril  at ₱365-K shabu sa Taytay

Kulungan ang bagsak ng isang pahinante makaraang mahulihan ng baril at aabot sa ₱365,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation sa Antipolo City.

Walang kawala sa mga tauhan ng Antipolo Component City Police Station ang isang high value individual (HVI) na si Alyas Leo na matagal ng sinusubaybayan dahil sa illegal na gawain.

Isang drug buy bust operation ang isinagawa bandang 3:00 Lunes ng madaling araw sa Sitio Kalye Putol, Brgy San Jose,  Antipolo City na kung saan matapos ang transkasyon sa pagbili ng droga ay agad na hinuli ang suspek. 

Nakumpiska mula kay alyas Leo ang isang cal.38 revolver  at  shabu na may timbang na 53 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng ₱365,700.

BASAHIN  Kelot tinaga ng lolong kapitbahay

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Antipolo custodial facility at sinampahan ng kasong paglabag sa Anti Drugs Law of 2002 at R.A 10591 o Firearms Law in relation to Omnibus Election Code (RA 7166)

Sa pamumuno ni Provincial Director ng Rizal PNP na si Police Colonel Felipe B. Maraggun ay patuloy ang pagsasagawa ng mga operasyon laban sa illegal na droga sa lalawigan.

BASAHIN  Guro tinadtad ng 16 saksak sa  Negros Occidental

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA