33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Dagdag na badyet ng NBI, hiniling ni Tulfo

HINILING ni Senator Raffy Tulfo na dapag dagdagan ang badyet ng National Bureau of
Investigation (NBI) para maisagawa nila nang maayos at mahusay ang kanilang mandato.


Binanggit ni Tulfo sa budget hearing sa Senado nitong Martes, na bagama’t tumaas na ang
2024 budget ng NBI sa General Appropriations Bill (GAB), napansin niya na hindi nabigyan ng
pondo ang ahensya para sa pagsasanay ng mga bagong mga ahente.


“It appears that only P8-M was granted out of the P290-M requested by the NBI for the
expenses for the training of new NBI agents,” saad niya.


Ipinawanag ni Tulfo, suportado niya ang badyet ng NBI dahil nakita niya kung gaano
nakakatulong ang ahensya sa paghuli sa mga kriminal at pagbibigay ng sapat na ebidensiya
para sa prosecutors para mai-file ang mga kaso sa korte.

BASAHIN  PUV modernization, tuloy na tuloy na


“At the proper time, I will make the appropriate manifestation to ensure that the full P290-M for
the training of new agents will be granted to the NBI,” dagdag niya

Nagpahayag din ng suporta si Tulfo para dagdagan ang badyet ng Bureau of Corrections
(BoC). Kahit na hindi pa naipapasa ang panukalang batas na inihain niya para sa CCTV sa mga
detention facility, naniniwala si Tulfo na maaari na itong ipatupad.


“There must be a reliable CCTV system in all common areas and all entry and exit points of our
detention facilities. Isama na din po natin mga detention facility sa NBI,” dagdag pa niya.


Nanawagan din si Tulfo na rebyuhin ang meal budget ng mga detention facility dahil ang P70
kada araw na badyet para sa kanilang pagkain ay hindi makatao, at maaari pa nga itong mauwi
sa katiwalian at paglaganap ng black market para sa pagkain sa loob ng mga kulungan.

BASAHIN  ‘Sexy dance’ scandal, NBI chief may paglalagyan?

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA