33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Dumagsa ang namamalimos sa NCR; Gatchalian, palusot king?

NAPANSIN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagdagsa ng mga
namamalimos sa Metro Manila nang nagsimula ang “ber” months o simula September nitong
taon.


Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian nitong Linggo, posibleng kagagawan diumano ito
ng mga sindikato na patuloy na dumarami habang papalapit na ang Disyembre.
Nagsasagawa raw ng imbestigasyon ang DSWD sa harap ng impormasyon na mayroong
sindikato na nananamantala sa mga katutubo.


Ayon kay Gatchalian, “Syndicated ‘yung pagdadala nila sa Manila… Kakasuhan natin ng human
trafficking ‘yung mga ‘yun.”


Taliwas sa pahayag ni Gatchalian, ayon sa Metro Manila Council (MMC), wala pa raw silang
nakakalap na matibay na ebidensya na tumutukoy sa mga sindikato ang may pakana sa
pagpapalimos sa mga lansangan ng Metro Manila.

BASAHIN  2 holdaper arestado sa Malabon


Ayon sa ilang observers, alam ng DSWD na matagal nang nangyayari ito bawat taon tuwing
nagsisimula ang “ber” months, pero hindi raw nila ito pinaghandaan, dahil puro palusot lang ang
kanilang alam. Sa rami raw ng CCTVs sa mga lansangan ng Metro, imposibleng hindi matukoy
kung meron ngang mga namamalimos at kung sino ang nagdadala sa kanila sa iba’t-ibang
lansangan para gawin ang pamamamalimos.


Ayon naman sa isang netizen, mahigit P100 milyon taon-taon ang ginagastos ng gobyerno para
sa sweldo ng DSWD secretary, sankatutak na undersecretaries at sandamakmak na assistant
secretaries, pero puro palusot o “iimbestigahan” diumano ang kanilang favorite dialogs, lalo na
diumano si Gatchalian, kapag na-interview ng news media. Dapat daw bigyan ng award ang
pinuno ng DSWD na “Palusot King”.

BASAHIN  Cayetano nagpahatid ng tulong sa Bulacan flood victims

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA