Mga estudyante, titser OK magsuot ng duck hair clips—DepEd

Share

NILINAW ng Department of Education (DepEd) na maaaring magsuot ng nauusong duck hair clips ang mga estudyante sa pagpasok sa paaralan, kung saan trending ngayon ang nasabing hair clips.

Sinabi ni DepEd deputy spokesman Francis Bringas na wala siyang nakikitang problema kung gustong makiuso ng isang mag-aaral lalo na ang pagsusuot ng duck hair clips dahil hindi naman ito offensive at nakakasagabal sa pag-aaral.

Kuwento pa Bringas na maging siya ay bumili rin ng sarili niyang duck hair clip nang magtungo sa Binondo.

Isang meme ni DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio ang inilathala sa FB Page ng iMPACT Leadership.

Sinabi pa nito na hindi naman ito makakaapekto sa klase kung magsusuot ang mag-aaral o maging ang guro dahil nagbibigay lang ito ng kasiyahan.

BASAHIN  US$3.5-B Kita mula sa bamboo industry – Villar

“It’s just a fad. It’s a hair accessory, siguro it won’t hurt the class kung meron extra accessory sa ulo. I don’t think it will bothersome for many,” sinabi ni Bringas sa isang panayam.

Ang sumisikat na duck clip ay isang libangan at hair accessory lamang, na maihahalintulad sa ribbon o headband na puwede namang suotin o isabit.

Matatandaang sa Baguio City unang sumikat ang duck hair clip at mas sumikat pa lalo sa kasagsagan ng Chinese New Year dahil karamihan sa mga nagtungo sa China Town ay nakitang nakasuot ng duck hair clip.

IBA PANG BALITA

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

Senado, Kongreso, magpupulong para sa Japan PM – Zubiri

GAGANAPIN ang joint session ng Kongreso bukas, Nobyembre 4, para kay JapanesePrime Minister Kishida Fumio. Ito ang ika-limang na pagkakataon na magiging bisita ang isang...