33.4 C
Manila
Wednesday, June 26, 2024

Iskedyul ng renewal ng expired Driver’s licenses

INIANUNSYO ng Land Transportation Office (LTO) ang bagong iskedyul ng release ng mga na-
expire na driver’s licenses.


Pwede nang makuha sa mga tanggapan ng LTO ang printed driver’s license na nag-expire
magmula Abril 1 hanggang Setyembre 30, 2023, base sa mga sumusunod na iskedyul:
Driver’s license expiry date Schedule of renewal


April 1 to 30, 2023 October 6 to 31, 2023
May 1 to 31, 2023 November 1 to 30, 2023
June 1 to 30, 2023 December 1 to 31, 2023
July 1 to 31, 2023 January 1 to 31, 2024
August 1 to 31, 2023 February 1 to 29, 2024
September 1 to 30, 2023 March 1 to 31, 2024


Ginawa raw ng LTO ang iskedyul na ito para maiwasan ang pagsisiksikan sa mga ahensya nito.
Samantala, yaon daw may paper license ay pwede nang kunin ang plastic card license sa LTO
office na nag-isyu nito.

BASAHIN  Tirador ng vape shop nalambat sa Malabon


Ang mga motorista na hindi raw nakapag-renew ng kanilang lisensya ayon sa nabanggit na
iskedyul ay papatawan nang parusa dahil sa pagmamaneho na may expired driver’s license.
Samantala, sinabi ni LTO head Vigor Mendoza II na nakakuha na ng sapat na plastic cards ang
ahensya para matugunan ang kakulang sa driver’s license.


Aniya pa, “Meron na po tayong sapat na bilang ng plastic cards to cover the printing of the
driver’s licenses that expired mula April 1 hanggang September 30. Dahil sa tulong ng ating
DOTr Secretary Jaime Bautista ay mas pinadami ang production at mas pinabilis ang delivery
para ma-address na natin ang backlog sa driver’s license.”

BASAHIN  SCO, Iniutos ng LTO vs. Mc driver sa pasig

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA