33.4 C
Manila
Saturday, December 21, 2024

P20 Bawat kilo ng bigas sa Cebu

SOBRANG mura ang magiging presyo ng bigas sa Lalawigan ng Cebu.
Ito ay matapos ianunsyo ng provincial government ng Cebu na mag-aalocate sila ng P100
milyon para pondohan ang murang bigas na ibebenta ng National Food Authority (NFA) sa
halagang P20 bawat kilo, at mababang presyo naman para sa komersyal na bigas.


Inianunsyo ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia nitong Huwebes na ang Sugbo Merkadong Barato
(Murang Palengke ng Cebu) ay magbebenta ng bigas sa Kadiwa ng Pangulo pop-up stores sa
mga mahihirap na mamimili, limang beses kada linggo.


Sinabi pa ni Garcia na hiniling niya ang tulong ng lahat ng munisipyo at lungsod sa probinsya
para suportahan ang proyekto, para makinabang ang mga mahihirap na Cebuanos.

BASAHIN  Online na ang tax payment system sa Cainta


Bukod sa Kadiwa stores, mabibili rin ang murang bigas sa 51 local government units sa
lalawigan, ayon kay Katherine Bethune, ng Cebu provincial public information office,
Inaasahang malulugi ang provincial government nang halos 10 percent sa pagbebenta ng
murang bigas, pero hindi naman daw ito isang negosyo, kundi serbisyo-publiko, para
matulungan ang mga mahihirap na Cebuano na makatugon sa tumataas na presyo ng bilihin.


Sa mga nagnanais bumili ng commercial rice, mas mura naman daw ito kaysa presyo sa mga
pamilihan, kaya abot-kaya pa rin ito ng mga mahihirap.


Sa mga urban poor ng Metro Manila, huwag na po ninyong pangaraping makabili ng murang
bigas sa Cebu at ipa-LalaMove ito, dahil tiyak, mas mahal ang magiging presyo nito dahil sa
shipping fee.

BASAHIN  Rutang Naga-Legazpi, balik-operasyon na

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA