Arroyo, Ungab, pinatalsik bilang House Deputy Speakers

0

AWAY pulitika?
Tuluyan nang inalis sina Pampanga D2 Rep. Gloria Macapagal Arroyo at Davao City Rep.
isidro Ungab bilang Deputy Speakers ng Kamara


Nangyari ito sa gitna nang umiinit na isyu sa pagitan nina dating Pangulong Rodrigo
Duterte at Speaker Martin Romualdez.


Matatandaang hindi lumagda sina Arroyo at Ungab sa House Resolution (HR) No.1414 na
nagpapahayag ng suporta sa liderato ni Romualdez.


“The House leadership, in its collective capacity and after careful deliberation, has made
the decision to relieve Deputy Speakers Gloria Macapagal-Arroyo and Isidro Ungab of
their leadership positions,” paliwanag kagabi ni House Majority Leader at D2 Zamboanga
City Rep. Manuel Jose Dalipe.


“This decision stems from the fact that out of the nine Deputy Speakers, only Deputy
Speakers Macapagal-Arroyo and Ungab chose not to sign a pivotal House resolution
sponsored by the entire leadership,” ayon pa kay Dalipe.


Malapit ang dalawang mambabatas kay dating Pangulong Duterte.


Sinabi ni Arroyo na nasa ibang bansa siya kaya hindi nakalagda pero patuloy pa rin daw
ang suporta niya sa liderato ni Romualdez.


Ipinalit kay Arroyo si Isabela Rep. Antonio Albano, samantalang si Ungab ay pinalitan ni
Lanao del Sur Rep. Yasser Alonto Balindong.

About Author

Show comments

Exit mobile version