BFAR, binawi ang pahayag tungkol sa cyanide fishing

0

LABAN o bawi?


Tila ito raw ang ginagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), matapos nitong sabihing sinira talaga ng Chinese fishermen ang bahagi ng Bajo de Masinloc gamit ang cyanide, bumawi naman ito, at sinabing hindi raw.


Sinabi nitong Lunes ni BFAR spokesperson Nazario Briguera sa isang TV interview na “hindi raw sila sigurado” kung gumagamit nga ng cyanide ang mga Chinese fishermen sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.


Dahil sa pagbawi nang naunang pahayag, umalma ang grupo ng Pamalakaya sa
pangunguna ni Vice Chair for Luzon Bobby Roldan.


“’Pag ganitong pabagu-bago at di-tiyak na pahayag ay magpapatagal lamang sa pagpapanagot sa China at iba pang bansa na nagsasagawa ng ilegal na pangingisda sa ating teritoryo,” ani Roldan.


Nauna nang itinanggi ni Mao Ning, tagapagsalita ng Chinese Foreign Affairs at
sinabing “gawa-gawa” ang naunang paratang ng BFAR. Hindi raw nila gagawin
ito, lalo na sa kanilang “sariling teritoryo”.


“Dismayado kami sa mahinang paninindigan ng administrasyong Marcos Jr. sa patuloy na pangangamkam ng China sa West Philippine Sea. Katumbas na ito ng pagtataksil sa mga mangingisdang Pilipino at sa ating pambansang soberanya,” dagdag pa ni Roldan.


Dahil sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang ang Bajo de Masinloc, tanging ang Pilipinas lamang ang may karapatan gumamit sa likas-yaman nito. Gayunpaman, itinuturing itong “traditional fishing grounds,” dahilan para sabihin ng BFAR na pwede itong pangisdaan ng mga sibilyang mangingisda kahit banyaga.

About Author

Show comments

Exit mobile version