33.4 C
Manila
Tuesday, July 2, 2024

Tulak huli sa P379-K kush sa Marikina

Kulungan ang bagsak ng isang 37-anyos na lalaki nang mahulihan  ng high grabe marijuana na aabot sa P379,200.00 matapos ang ikinasang buy bust operation, kamakalawa ng gabi sa Barangay Sta. Elena, Marikina City.

Sa report ng Marikina City Police, inaresto ang suspek na alyas Badong, 37-anyos, matapos ang isinagawang buy bust operation ng mga tauhan  ng station drug enforcement unit (SDEU) bandang 6:30 kamakalawa ng gabi sa Royal Ville Subd., Brgy Sta. Elena.

Sa naganap na transaksyon sa pagbili ng damo, agad na hinuli ang suspek matapos ang palitan ng marijuana at bayad mula sa pulis na umaktong buyer.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang medium transparent ziplock na naglalaman ng dried marijuana leaves with fruiting tops; apat  na ziplock ng high grade marijuana  o kush na pawang mga nasa P379,200.00 ang standard drug price.

BASAHIN  Most Wanted Person nalambat sa  Caloocan

Dinala ang mga nakumpiskang ebidensya sa EPD Forensic para sa  laboratory examinations.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek ang Custodial Facility at sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165

BASAHIN  ‘Benta-Pal’ scam sa Pasig inihalintulad ni Mayor Vico sa ‘Ponzi scheme’

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA