PINANGUNAHAN kahapon ni NCRPO Chief, PBGen. Jose Melencio Nartatez ang
pagsalubong at pagbibigay ng medalya sa nga miyembro ng Regional Mobile Force
Batallion (RMFB).
Ang 298 na miyembro ng RMFB ay idineploy sa ilang lalawigan sa Bangsmoro
Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para palakasin ang pwersa ng
kapulisan nitong Oktubre 30 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Nagbigay ng komendasyon si Nartatez sa buong tropa dahil sa kanilang kabayanihan at
pagtitiyaga para tuparin ang kanilang tungkulin sa harap ng panganib.
“On behalf of the NCRPO, congratulations. You have been the vanguards of Team
NCRPO. What you did there put a mark that anywhere elese, kaya nating maglingkod at
gampanan nang maayos ang ating trabaho o misyon na panatilihin ang kaayusan at
kapayapaan lalo na ang pagsisiguro sa kaligtasan ng ating mamamayan,” saad ni
Nartatez.
Karamihan sa miyembro ng contingent ay dumaan sa pagsasanay sa mahirap na kursong
Basic Internal Security Operations para sa pagharap sa mabibigat ng hamon ng eleksyon.
Dumaan din sila sa General Orientation and Special Election Board seminar na isinagawa
ng Commission on Elections.
Kinilala rin at binigyan ng komendasyon ni Nartatez ang lahat ng NCRPO personnel na
naglingkod at gumawa ng iba’t ibang tungkulin sa maraming polling centers sa bansa, lalo
na sa National Capital Region.