ZERO!
Walang nai-report na anumang krimen o karahasan o zero crime rate, nitong Undas sa mga
Lungsod ng Pasig, Mandaluyong, at San Juan sa Metro Manila, ayon sa ulat ng Eastern Police
District (EPD).
Nagkaroon nang presensya sa 15 sementeryo sa tatlong lungsod ang mga elemento ng
kapulisan, ayon sa report na ipinalabas ng EPD. Kabilang dito ang mga nasa Pasig City na:
Pasig City Cementery, Pasig Catholic Cemetery, Evergreen Cemetery, at Santolan Cementery.
Sa Mandaluyong City, wala ring naiulat na krimen sa: San Felipe Neri Centery, Garden of Life
Cemetery, Paradise Private Cemetery, at Mandaluyong Memorial Park/Garden of life
Columbnarium.
Naging tahimik din ang mga sumusunod na sementeryo sa Marikina City: Loyola Memorial
Park, Aglipay Cemetery, Holy Child Cemetery, RC/Our Lady of the Abandoned Cemetery,
Nangka Cemetery, at St. Paul of the Cross Columbarium.
Naging mapayapa rin ang mga sumusunod na sementeryo sa San Juan City: San Juan
Cemetery, Sanctuario de Sto. Cristo Crypt, at St. John the Baptist Columbarium.
Sinabi pa ng EPD na sa mga nabanggit na lungsod, umabot sa 29,905 ang nagtungo para
gunitain ang Undas.