Benepisyo sa PhilHealth, dagdagan

0

SINABI ng isang mambabatas nitong Linggo na may pressure sa Philippine Health
Insurance Corporation (PhilHealth) na dagdagan ng 20-30 percent ang kanilang
benepisyo, sa kabila nang pagkakautang nito ng P27 bilyon sa mga ospital.


Ayon kay Agri Party-list Rep. Wilbert Lee pwede itong gawin ng PhilHealth maski sa harap
nang patuloy na pagtaas ng mga bilihin dahil sa inflation, para matulungan ang mga
miyembro nito, partikular ang karaniwang manggagawang Pilipino.


Sa pagdinig ng Kongreso sa P311.3 bilyong badyet ng Department of Health para sa
2024, iminungkahi ni Lee na dapat palawakin pa ng PhilHealth ang kanilang benepisyo
para sa mga miyembro nito. Kasama na rito ang benefit packages para sa high-risk
pneumonia pati na rin ang ischemic at hemorrhagic stroke.


Gayunpaman, sinabi ng mambabatas na sa halip na dagdagan ng PhilHealth ang suporta
para sa ilang mga sakit lamang, dapat na dagdagan ng 20 percent across-the-board ang
bayad sa pagpapaospital ng mga miyembro nito.

“Pero imbes na mga piling sakit lang ang dagdagan ng suporta ng PhilHealth, dapat
magkaroon ng pagtaas sa lahat ng sinasagot nitong bayarin sa pagpapa-ospital ng mga
miyembro,” saad ng mambabatas.


Idiniin pa ni Lee na kinakailangan ang mabilisang pagtataas ng halaga ng benepisyo ng
PhilHealth dahil hindi na makatotohanan ang presyo nito, dahil ang pagiging maysakit ay
nagpapalugmok sa pinansiyal na kalagayan ng isang miyembro. Hindi raw ito isang
kalamangan dahil ang gastusin sa pagpapaospital ay higit na mas mataas kaysa
ibinabayad ng PhilHealth

Mayroong pondong P466 bilyon na pwedeng mai-invest ang PhilHealth. Kumita ito ng
P68.4 bilyon na net income nitong nakaraang taon, pero may utang pa itong P27 bilyon sa
mga ospital.


Ayon sa ilang observers, dapat hilingin ni Lee ang matinding suporta ng labor groups para
himukin ang PhilHealth dagdagan ang presyo ng mga benepisyo.

About Author

Show comments

Exit mobile version