33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

2 Nawawalang OFWs, hostage na

SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ipinalalagay ng pamahalaan na ang
dalawang overseas Filipino workers (OFWs) na nawawala ay na-hostage na ng Hamas
group sa pag-atake nito sa Israel nitong Oktubre 7.

Sinabi ni DFA Secretary Enrique Manalo na ginagawa ng gobyerno ang lahat para
mahanap ang nawawalang OFWs. Humihingi raw sila ng tulong para mahanap ang
dalawa.


“Actually, we assume they are hostages because they have not been accounted for.
They’re not included in the report,” ayon pa kay Manalo.


Ayon sa gobyerno ng Israel pati na rin ang Reuters, ang dalawang OFWs na naunang
nang naireport na nawawala ay kabilang sa tinatayang 220 hostages ng Hamas.
Hindi pa pinangalanan ng DFA ang dalawang Pilipino.


Nitong Linggo, sinabi ni DFA USec. for Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega na wala
pang anumang natatanggap na demand ang ating pamahalaan mula sa grupong Hamas.
Samantala, sinabi ni Manalo na ang embahada ng Pilipinas sa Egypt ay naka-alerto at
handa anomang oras kapag nabuksan na ang Rafah border crossing, matapos mai-
release ng Hamas ang mga banyagang hostage.

BASAHIN  China nagpakitang gilas sa isinagawang wargames; US di nagpatalo


“The problem is that the corridor is not yet open for them (Filipinos) to pass. But the
minute that corridor is open, we will have our assets available to take them out probably
through Egypt,” ayon kay Manalo.


Sinabi ng DFA na mayroong 136 mga Pilipino sa loob ng Gaza Strip, na ang ilan sa kanila
ay nakapangasawa ng Palestinian. Dahil mainit pa rin ang labanan, kasama na ang
patuloy na pambobomba ng mga eroplano ng Israel, hindi pa rin matiyak kung kalian
maisasagawa ang repatriation ng ating mga kababayan.

BASAHIN  62% Filipino Professionals, nais nang umuwi ng ‘Pinas

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA