33.4 C
Manila
Saturday, December 21, 2024

117-k sundalo, ide-deploy ngayong halalan bilihan ng boto, sa Visayas, Bulacan

HANDA na ang lahat ng security measures.
Ito ang tiniyak ng Armed Forces of the Philippine (AFP) kaugnay ng seguridad at kaayusan ng
Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong Lunes.


Bukod sa AFP, tiniyak din ng Philippine Coast Guard (PCG ) na handa rin silang maglaan ng
kanilang mga tauhan para tumulong sa Philippine National Police (PNP) para matiyak ang
seguridad ng mga botante, teachers at election personnel, maging sa paaralan o malls na kung
saan gagawin ang eleksyon.


Sa katunayan, aabot sa 117,000 kasundaluhan at 20,000 coast guard personnel ang nakadeploy
sa buong bansa, pati na sa 361 election hotspots.


Samantala, sa kabila nang paulit-ulit na babala ng Commission on Elections (Comelec)
dumarami pa rin ang naiulat na bilihan ng boto at bentahan ng boto sa maraming lugar sa
Visayas at Bulacan.


Sa Eastern Visayas, naiulat na patuloy ang bilihan ng boto hanggang nitong Sabado, ang huling
araw ng kampanya para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Electiona (BSKE). Ayon sa
report, P50 bawat botante ang ibinibigay para sa iba’t ibang pwesto, samantalang P100 naman
para sa barangay chairman.

BASAHIN  Mahigit 273,000 COCs nai-file para sa BSKE


Ayon sa isang kandidato bilang kagawad sa isang lungsod sa Eastern Visayas, ayaw daw niyang
bumili ng boto, pero ito raw ang “kalakaran, at kapag hindi raw namigay ng pera, malabong
manalo ang isang kandidato. Dahil dito, napilitan siyang umutang.


Kahit na inilunsad ng Comelec ang kampanyang “Kontra Bigay”, para mapigilan ang vote
buying, nahihirapan silang ipatupad ito dahil palaging sekrereto ang bilihan ng boto, ilang araw
bago mag-eleksyon. Hiningi na nga raw nila ang tulong Bangko Sentral ng Pilipinas para ma-
monitor ang money transfers o sa pamamagitan ng electronic wallets.


Sa Negros Oriental, tinatawag na “ayuda” ang vote-buying. Umaabot daw sa P2,000 bawat
botante ang pagbili ng boto, ayon daw sa report na natanggap ni Eliseo Labaria, acting
provincial election supervisor.


Sa Negros Occidental, may 19 reklamo ng vote-buying ang natanggap ng Comelec, ayon kay
provincial election officer Ian Lee Ananoria.


Sa Bulacan, nahaharap sa disqualification case ang nakaupong barangay captain-reelectionist sa
isang barangay sa bayan ng Pandi. Sinabi ng isang nagreklamong botante na diumano, personal
niyang natanggap ang P1,000 cash at isang health card na may pangalan niya nitong Oktubre 22
mula sa isang kandidato. Nangako pa rin daw ang kandidato na muling magbibigay ng P1,000
sakaling manalo ito.

BASAHIN  18 Pinoys, 1 Madre, malabong umalis sa Gaza


Sinabi ng Philippine National Police na huhulihin nila ang mga bumibili at nagbebenta ng boto.
Ayon sa ilang observers, tapos na raw ang bilihan ng boto, sino pa ang huhulihin nila? Ito ay
dahil wala na halos namimili ng boto sa mismong araw ng eleksyon.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA