33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Grade 12 student arestado sa pagnanakaw  ng palaman

Kulong ang isang Grade 12 na lalaking estudyante matapos  magpuslit ng palaman palabas sa isang malaking supermarket Huwebes sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Sa tinanggap na ulat ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, napansin na ng security officer na si Glen Mark Royo ang kahina-hinalang ikinikilos ng suspek na si alyas “Rey”, 26, habang binabalik-balikan at sinusuri ang presyo ng Nutella chocolate spread hanggang dumampot siya ng dalawang bote at pasimpleng itinago saka lumabas ng Robinsons Supermarket Town Mall sa Brgy. Tinajeros, bandang 5:10 kamakalawa ng hapon.

Dito na siya unaresto ng mga security officer at isinuko sa mobile ng Malabon Police Sub-Station 2 na nagpapatrulya sa labas ng malaking mall.

BASAHIN  Alyas Pogi, 2 iba pa huli sa buy-bust sa Cainta, Rizal

Nabawi sa suspek ang dalawang botelya ng tsokolateng palaman na may kabuuang halagang P951.00 na kanyang ikinubli sa supermarket.

Kasong Shoplifting ang isasampa laban sa suspek batay sa inihaing reklamo ng Robinsons Supermarket Town Mall na kinakatawan ni Christine Dorol, Admin Officer.

BASAHIN  Bebot tinalo ng tropa sa inuman

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA