513 arestado sa P16-M buy-bust Ops sa QC

Share

Umabot  na sa 513 drug users at pusher ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District (QCPD) na kung saan aabot sa P16,864,863.60 halaga ng illegal drugs ang nasabat sa buy-bust operations na isinagawa noong September 1 hanggang October 26, 2023.

Ayon kay QCPD Director PBGen. Redrico A Maranan, naging matagumpay ang kampanya kontra illegal na droga dahil na rin sa pagkakahuli sa 513 katao na pawang mga drug users at pushers.

Giit pa ni Maranan na nasa 304 anti-drug operations ang naganap mula sa iba’t-ibang police stations na nagresulta ng pagkakakumpiska sa  2,130.66 gramo ng shabu, nasa 18,228.13 gramo ng marijuana, at 135 gramo ng Kush o high-grade marijuana.

Nabatid na ang  Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim ni PLtCol. Jerry Castillo ang nanguna sa paghuli sa  48 drug personalities at nakakuha ng mahigit P2,684,000 halaga ng droga, kasunod ang drug ops ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pamamahala ni officer-in-charge PMaj. Wennie Ann Cale na nakahuli ng pitong drug peddlers at nasa P2,194,000.00 halaga ng shabu at marijuana ang nakumpiska.

BASAHIN  3 tulak nasakote sa P1-M halaga ng damo

“Lubos akong nagpapasalamat sa mga taga-Lungsod Quezon na sumusuporta sa ating pagsusumikap laban sa ilegal na droga. Ang mga impormasyong kanilang ibinabahagi sa aming tanggapan ay nagbibigay ng malaking kontribusyon sa aming layunin na mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng ating komunidad.” ayon kay PBGen. Maranan na binigyang parangal ang QCPD Station Commanders.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Ortigas Malls honors Filipino artists who have made their mark on the global stage at the 128th Independence Day, Artistry & Legacy: A Tribute...

IN celebration of Independence Day, Ortigas Malls honors the visionary Filipino artists who have carried the nation’s creative and independent spirit onto the global...