33.4 C
Manila
Thursday, November 7, 2024

Chinese national at Pinoy na kasabwat huli sa extortion

Arestado ang isang Chinese national at Pinoy na kasabwat matapos ang ikinasang entrapment operation para tubusin ang ninakaw na cellphone ng isang Malaysian national sa isang kilalang resort hotel sa Parañaque City.

Ayon sa report, naganap ang insidente noong October 19, 2023 nang harangin ang isang 28-anyos na Malaysian national, alyas “Lim” ng isang hindi nakikilalang suspek sa labas ng Okada Manila at puwersang kinuha ang kanyang cellular phone sa Okada Manila Resort Hotel

Agad na ini-report ni Lim sa Parañaque City Police Station ang pangyayari na kung saan may kumontak umano sa kanya at pinatutubos ang cellphone kapalit ng ₱50,000.00.

BASAHIN  3 durugista nadakma sa Navotas buy-bust

Kaya naman agad na isinagawa ang entrapment operation kamakalawa na nagresulta ng pagkakahuli kina alyas Zhide, Chinese  national at kasabwat na Pinoy na alyas Jhun-Jhun sa Okada Manila Resort Hotel.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang Huawei Mate 40 Pro at dalawang ₱1,000.00 bills.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Robbery Extortion ang mga suspek na kasalukuyang nakakulong sa Parañaque City Police Station Custodial Facility

BASAHIN  24-oras police ops ng Rizal PNP, 8 huli sa droga

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA