33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

DOE, DPWH, pabilisin ang polisiya para sa ev charging stations -Gatchalian

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Department of Energy (DoE) at Department of
Public Works and Highways (DPWH) na madaliin na ang pagpapalabas ng patakaran o polisiya
sa EV charging stations para maparami ang gagamit ng electric vehicle (EV) sa bansa.


“Ang pinakamalaking hadlang sa paggamit ng mga EV ay ang kawalan ng charging stations…
Nag-aalangan ang mga tao na gumamit ng EV dahil walang lugar kung saan sila pwedeng mag
charge ng kanilang sasakyan. Kaya, ang pinakamalaking hamon ay ang punan ang kakulangan
ng kinakailangang imprastraktura at patakaran para sa paglalagay ng charging stations,” sabi ni
Gatchalian.


Bukod sa DoE, nilinaw ni Gatchalian na may kailangan ding ayusing polisiya ang DPWH para
tuloy-tuloy na ang pag-arangkada ng EVs sa bansa. Aniya, nakatoka sa DPWH ang paggawa ng
revision sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng National Building Code at ang Green
Building Code para sa instalasyon ng charging stations.

BASAHIN  Gatchalian: Kakulangan sa kwalipikadong guro, tuldukan na


Kasunod ng pagbubuo ng Comprehensive Roadmap for the Electric Vehicle Industry (CREVI),
nagtakda ang gobyerno ng konserbatibong target na 850,100 EV sa bansa at charging stations (EVCS) na aabot sa 20,300 EV pagdating ng 2040. Ang mas ambisyosong target naman ay
nagtatakda na magkaroon ang bansa ng higit sa 2 milyong EV at 40,000 EVCS sa 2040.


“Pinag-iisipan ko ang isang mekanismo kung saan maibabalik natin ang VAT sa mga lilipat sa
mga EV. Sa madaling salita, ito ay 12 percent na subsidiya para sa mga bibili ng mga EV… Ang
pagbibigay ng mga subsidiya para sa mga gumagamit ng EV ay isang mekanismo na ginagawa
na rin ng ilang mga bansa upang makahikayat ng mas maraming gagamit ng EV,” pagtatapos ni
Gatchalian.

BASAHIN  SC sa Metro Manila LGUs: pag-isyu ng OVR, pangungumpiska ng driver’s license, itigil na

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA