33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

P100-K shabu, bala at baril nasabat sa 3 tulak

Laglag sa kamay ng Antipolo Police  ang tatlong high valued individual at nakuhanan ng P100-K halaga ng shabu, baril at mga bala kagabi sa Sitio Kamandag, Brgy. Mayamot, Antipolo City, Rizal.

Ayon sa report na nakalap mula sa Antipolo City Drug Enforcement Team, ikinasa ang  operasyon kontra illegal na droga at nadakip ang mga suspek matapos ang transaksyon bandang 7:58 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PCol. Felipe Maraggun, Provincial Director ng Rizal PPO, ang mga suspek na sina alyas Jeremy, 22-anyos, residente ng Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City, Rizal; alyas Mike, 47-anyos ng Brgy. Mayamot, Antipolo City, Rizal at alyas Malou, 46-anyos ng  Brgy. Mayamot, Antipolo City, Rizal.

BASAHIN  Manyak na Indian national nalambat sa Rizal

Nakumpiska sa mga suspek ang 11 pakete ng  shabu na may timbang na humigit kumulang 22 gramo na nagkakahalaga ng  aabot sa P149,600.00, isang kalibre .22 na revolver, mga bala, isang coin purse at buy-bust money na nagkakahalaga ng P500.00. 

Ito ay minarkahan, inimbentaryo at kinuhanan ng litrato sa mismong lugar ng operasyon at presensya ng mga suspek na agad rin namang ipinaalam ang lahat ng karapatan.

 Dinala ang mga nakumpiskang ebidensya sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Antipolo Custodial Facility at nahaharap sa reklamong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A 10591 o Firearms and Ammunitions Law in relation to Omnibus Election Code

BASAHIN  2 Nagbenta ng shabu huli sa baril at droga

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA