Mas maigting na aksyon ng mga paaralan laban sa hazing – Gatchalian

0
196

MATAPOS makatanggap ng torture, 200 palo isa iba’t ibang parte ng katawan, mga paso ng sigarilyo, at iba pang uri ng pananakit, nasawi si Aldrin Bravente, 25, kahapon sa initiation rites ng Tau Gamma Phi Fraternity.


Dahil sa pagkamatay ng 4 th year criminology student, binigyang diin ni Senador Win Gatchalian ang mahalagang papel ng mga paaralan upang maprotektahan ang mga mag-aaral mula sa hazing, bagay na aniya’y obligasyon ng mga paaralan sa ilalim ng batas.


Ipinaliwanag ni Gatchalian na sa ilalim ng anti-hazing law, mandato sa mga paaralan na maglunsad ng mga information campaign sa simula ng semestre o trimestre para sa mga mag-aaral, mga magulang, at guardian ukol sa mga pinsalang dulot ng hazing.


“Taos-puso akong nakikiramay sa pamilya ni Aldrin Bravente. Kaisa ako ng pamilya sa paghahangad ng hustisya at nananawagan ako sa mga alagad ng batas na tiyaking mahuhuli ang mga sangkot sa pagkamatay ni Aldrin,” ani Gatchalian, isa sa mga may akda at co-sponsor ng Anti-Hazing Act of 2018 (Republic Act No. 11053).

BASAHIN  Lider ng criminal group sa Marawi huli, sugatan sa isang armed encounter sa Pasig


Ayon sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), sumailalim si Bravente sa fraternity initiation rites sa isang abandonadong condominium sa Quezon City. Namatay siya dahil sa hematoma sa Chinese General Hospital, kung saan isinugod siya matapos ang initiation rites. Hawak na ng pulisya ang apat na mga suspek.


Ipinagbabawal ng batas ang lahat ng anyo ng hazing sa mga fraternity, sorority, at organisasyon sa mga paaralan, kabilang ang citizens’ military training at citizens’ army training.


Reclusion perpetua o panghabangbuhay na pagkakabilanggo at multang P3 milyon ang ipapataw sa sino mang nag-plano o nakilahok sa hazing na nagdulot ng pagkamatay, rape, sodomy, at mutilation.


Ang pagkamatay ni Bravente ang ikalawa sa grupong Tau Gamma Phi. Noong Marso 2023, kinasuhan sina Earl Anthony Romero, Tung Cheng Teng Jr., Jerome Balot, Sandro Victorino, Michael Lambert Ricalde, Mark Pedrosa at diumano’y “master initiator” na si Daniel Perry dahil sa pagkamatay ni John Matthew Salilig, sanhi ng hazing.#

BASAHIN  Maya, mataas ang ililipad sa digital banking

About Author