Humanitarian aid sa Gaza , ninakaw ng Hamas?

0
143

NINAKAW kamakailan ang malaking bolyum ng humanitarian aid na kinabibilangan ng
medical equipment at fuel sa UNRWA sites sa Gaza.


Hindi nakilala ng United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees in the Near
East (UNRWA) kung anong grupo ang gumawa nito.


Sa post ng UNRWA sa X (dating Twitter), sinabi nito na nakatanggap sila ng impormasyon na
isang grupo ng mga lalaki na may trucks na nagsabing sila ay mula sa Gaza Ministry of Health
ang kumuha ng emergency supplies sa compound nila.


Dahil sa utos ng Israel Defense Forces na lisanin ang northern Gaza, kinakailangang agad
umalis ang UN staff sa kanilang lugar sa Gaza, matapos ang ilang oras na abiso. Hindi nakunan
ng CCTV cameras ang pagkuha ng mga item dahil nasira ang mga ito sa mga nakaraang
pambobomba.

BASAHIN  Pinoys, ligtas sa lindol sa Japan; 100,000 residente, inutusang mag-evacuate


Pinaghihinalaan ng ilang staff na Hamas group ang kumuha ng humanitarian aid.


“UNRWA fuel and other types of material are kept for strictly humanitarian purposes – any
other use is strongly condemned,” report pa nito sa X.

BASAHIN  1,000 Kaso nang sex abuse ng mga paring Katoliko, inilantad

About Author