33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Asian gold medalist kinilala sa San Juan

Bilang pagkilala sa kanyang galing sa Jiu-Jitsu, pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pagbibigay plaque at City Resolution na P100,000 cash prize sa kinilalang 19th Asian Games Jiu-Jitsu Women’s 48KG Category Gold Medalist Margarita “Meggie” Ochoa, kasabay ng flag raising ceremony sa city hall atrium.

Ramdam ni Zamora ang buhay ng isang atleta na iginugugol ang oras,  sakripisyo, dedikasyon para manalo dahil dating naging UAAP at PBL player ang alkalde.

“Today, we are honoring the pride of San Juan. Nais kong ipaalam na meron na pong bagong kampeon ang San Juan. Isang karangalan na ipakilala ang isang tao na nagbigay ng mataas na karangalan sa ating lungsod, si Meggie Ochoa. Meggie, nawa’y maging inspirasyon ka sa mga atleta lalo na dito sa San Juan. Ako’y umaasa na maging inspirasyon ka sa mga kabataan,” ayon kay Mayor Zamora.

Malugod namang tinanggap ni Ochoa  ang pagkilala sa kanya ng mga opisyales ng San Juan at ipinagmamalaki nito na laking San Juan siya mula sa Barangay Batis.

BASAHIN  Humanitarian aid sa Gaza , ninakaw ng Hamas?

“Hindi naging madali ang aking pinagdaanan papunta sa Asian Games. Nung Asian Games, tinrangkaso bago ang laban. Na-injure pa po ako. Pumasok po ako sa finals match ng hindi ako 100 percent. Pero sa lahat ng ito isa lang ang ginawa ko para makamit ang gintong medalya, nagtiwala ako sa Diyos. Alam kong pinayagan Niyang mangyari ‘to. Sa Kanya po ako kumapit. Sa kanya lang po tayo magtiwala, Siya ang kapitan natin, kasi kapag kapitan natin Siya, kakapitan din po Niya tayo,” kuwento ni Ochoa.

Sa naganap  na flag ceremony, ibinigay kay Ochoa ang cash incentive na P100,00 mula sa  City Ordinance No. 35, Series of 2023, or an “Ordinance Granting a Cash Incentive to Ms. Margarita “Meggie” Ochoa para sa pagkapanalo ng Gold Medal for the Women’s Jiu-Jitsu 48KG Division at the 19th Asian Games sa Hangzhou, China noong October 5, 2023” at City Resolution No. 135, Series of 2023 entitled “A Resolution Congratulating and Commending Ms. Margarita “Meggie” Ochoa for Winning the Gold Medal for Women’s Jiu-Jitsu 48KG Division.

BASAHIN  Pinoys na naiipit sa Gaza, nahihirapang tumakas

Kasabay pa nito, nagbigay pa si Mayor Zamora ng karagdagang  P100,000 na personal niyang pera dahil sa dedikasyon at pagiging idolo ng ilang San Juaneños.

Samantala, inanunsyo pa ni Mayor Zamora na  magpapatayo sila ng multi-level sports complex sa 2024 at nagkakaroon  ng mixed martial arts gym na kung saan inimbitahan si Ochoa na magturo ng jiu-jitsu sa kabataan.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA