33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Aprubahan ang power supply agreement – Gatchalian

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Energy Regulatory Commission (ERC) na
apurahin ang pag-aproba ng power supply agreement (PSAs) sa pagitan ng distribution utilities
(DUs), tulad ng Meralco, at generation companies para matiyak ang patuloy na suplay ng
kuryente.


Ang panawagan ay kasunod ng pagpapalabas kamakailan ng ERC ng isang competitive
selection process (CSP) guidelines na tumutukoy sa procurement mechanism para sa isang DU
na kumuha ng suplay mula sa generation companies through bidding batay sa mandato ng
Department of Energy (DoE).


“Umaasa kami na ang mahigpit na pagpapatupad ng mga alituntunin sa pagbi-bid ay
magreresulta sa napapanahong pag-apruba ng ERC ng mga PSA at makakatulong sa mga DU na makakuha ng suplay sa pinakamababang halaga para sa kapakinabangan ng mga konsyumer,”
saad ni Gatchalian.


Idinagdag pa niya na mula 2003 hanggang 2023, mayroong kabuuang 527 na nakabinbing PSA
sa ERC na hindi pa na-aaprubahan. Sa taong ito, mayroong 16 na nakabinbing PSA sa ERC,
bahagyang mas mababa sa 18 noong nakaraang taon.

BASAHIN  Hirit ng health group sa mga community leaders: sugpuin na paggamit ng yosi, vapes 


“Inaasahan natin na mas magiging maayos ang kalagayan ng suplay para sa mga kooperatiba at
mga konsyumer,” aniya.


Binigyang-diin ng senador na dapat agad na ipatupad ng ERC ang mga probisyon ng bagong
power bidding guidelines na inilabas ng ahensya para matiyak na sumusunod ang mga
distribution utilities at tiyakin rin ang aktibong partisipasyon ng consumer groups


Dapat ding hikayatin ng ERC ang mga mamimili na lumahok sa bidding sa pamamagitan ng
aktibong pagsubaybay, isang pribilehiyong hindi naibigay sa kanila noon. Makakatulong ito na
matiyak ang transparency sa pagpapatupad ng CSP at pahusayin ang pananagutan sa bawat PSA.


“Kailangan natin ng mas maayos na pananagutan sa pagpapatupad ng PSA, ibig sabihin, mas
magiging mahirap para sa mga generation company na hindi tumupad sa PSAs. Makakatulong
ito na mapatatag ang suplay ng enerhiya at alisin ang hindi inaasahang pagtaas ng presyo,”
pagtatapos ni Gatchalian.

BASAHIN  Mahigit 1.2-M, kaso ng autism sa bansa

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA