33.4 C
Manila
Tuesday, November 26, 2024

Bankay ng sanggol, bata natagpuan sa Sitio Kapihan

NADESKUBRE kahapon ang ilang bangkay ng mga sanggol at bata na inilibing ng isang kulto sa isang iligal na sementeryo sa Sitio Kapihan, Barangay Socorro, Surigao del Norte.

Ito ay matapos bisitahin nina Senators Ronald dela Rosa, chair, Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, at Risa Hontiveros, chair, Senate Committee on Women’s, Children and Family Relations ang enclave ng Socorro Bayanihan Services Incorporated (SBSI) sa nasabing lugar, nitong Sabado, Oktubre 14.

Sa kanyang Facebook post, ipinakita ni Hontiveros ang nahukay na bangkay ng isa sa mga bata na anak ni Randolph Balbarino na namatay noong 2021.

Kahit na diumano’y umabot sa pagkakataong naging agaw-buhay na ang bata, mariin pa rin tumanggi ang kanilang lider na si Jay Rence Quilario, aka, Senyor Aguila, na ipagamot ito sa doktor o dahil sa ospital.

Sinabi pa ni Balbarino, hindi siya inabutan nang inilipat ang bangkay ng kanyang anak sa
sementeryo ng SBSI.

BASAHIN  No garage, No Registration Act

Kasama ng dalawang senador sina Surigao del Norte Gov. Robert Lyndon Barbers, pati na
kinatawan ng iba’tibang ahensya ng gobyerno nang magsasagawa ng ocular inspection sa lugar.

Matatandaang nagkaroon ng serye ng pagdinig sa Senado sa pangunguna nina De la Rosa at Hontiveros dahil sa mga alegasyong ipinupukol sa kulto – may kinalaman sa serye nang pang-aabuso, child marriage, paggawa ng droga, forced military training lalo na sa mga batang edad 6-7, at iba pang mga kaso.

Kahit na sa harap ng maraming testigo laban sa mga kasong ibinabato sa kanila sa pagdinig, puro pagtanggi lamang ang ginawa ni Senyor Aguila, pati na ibang opisyal ng SBSI.

Humarap na rin sa Department of Justice, sa isang preliminary investigation ang mga opisyal ng kulto.

BASAHIN  Tiyaking may kuryente sa election hotspots – Gatchalian

Maraming vloggers at netizens na patawan ng death penalty ang mga lider ng kulto, pero inalis na sa panahon ng noo’y Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang death penalty.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA