Biyaheng e-bike, e-trike huhulihin na sa Metro Manila, may multa pa

Share

HUHULIHIN na, may multa pa ang mga papasadang  e-bikes, e-trikes, tricycles, pedicabs, pushcarts, at kuliglig sa mga national roads, circumferential roads, at radial roads na kung saan magsisimula na sa April 15 ang pagbabawal sa Metro Manila.

Ito ay matapos  maaprubahan ang napagkasunduang petsa na sa April 15 ang simula ng pagpapatupad ng paghuli at pagmumulta ng mga pasaway na tsuper at operator ng mga ­e-bikes/trikes na dumaan sa national highways sa Kalakhang Maynila.

Papatawan ng P2,500 na multa ang lalabag sa regulasyon na kapwa aprubado ng Metro Manila Council (MMC) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay MMC president at San Juan City Mayor Francis Zamora, na titiyakin ng mga local chief exe­cutive ng NCR na ang mga ordinansang ipapasa kaugnay ng regulasyon ay magkakaisa para maiwasan ang kalituhan at ang bawat LGU ay mayroong kanya-kanyang ordinansa para sa secondary at inner roads sa kanilang nasasakupan.

BASAHIN  Truck ban sa Metro Manila, pag-iisahin ang oras; essential goods, tuloy-tuloy ang daloy

Aprub na rin ang resolusyon kay  MMDA chairman Romando Artes, na kung saan sila ang mangunguna sa pagsaway at paghuli sa mga pasaway.

Kasabay nito ang agarang pag-impound ng sasakyan kapag walang dalang lisensya ang driver nito.

Kabilang sa mga kal­yeng bawal ang e-bike, e-trike at iba pa ay ang Recto Avenue; President Quirino Ave­nue; Araneta Avenue; Epifanio Delos Santos Avenue; Katipunan/CP Garcia; Southeast Metro Manila Expressway; Roxas Boulevard; Taft Avenue; SLEX; Shaw Boulevard; Ortigas Avenue; Magsaysay Blvd./Aurora Blvd.; Quezon Avenue/Commonwealth ave.; A. Bonifacio Ave; Rizal Ave; Del Pan/Marcos Highway/Mc-Arthur Highway; Elliptical Road; Mindanao Avenue; at Marcos Highway.

“We will just enforce this prohibition because of the increasing number of accidents involving e-bikes, e-trikes, and e-scooters. We will not wait for these figures to go higher and the situation to worsen,” ayon kay MMDA chief.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

2 holdaper arestado sa Malabon

ARESTADO ang dalawang holdaper na nambiktima at sumaksak sa 50-anyos na mister sa Malabon City, Linggo ng madaling araw.  Nakilala ang mga naarestong suspek na...