Mambabatas, hiniling sa palasyo na i-ban ang POGOS

Share

HINILING kahapon ng mga mambabatas sa Malacañang na tuluyan nang i-ban ang iba’t-ibang
POGO o Philippine Offshore Gaming Operators sa bansa dahil sa banta sa seguridad.


Sa isang pagdinig sa Senado kahapon, dahil umano sa pagdami ng scammers sa bansa,
nagpahayag nang labis na pagkabahala si Senador Risa Hontiveros dahil sa pagkalat ng iba’t-
ibang ID cards ng gobyerno na nakuha mula sa mga Chinese nationals na nahuli sa POGO.


Ilan sa mga government IDs ay ang TIN, PhilHealth, Police Clearance, Alien Certificate of
Registration, at Alien Employment Permit.

Nagtataka si Hontiveros kung bakit nakakuha nang naunang tatlo na nabanggit na IDs ang
Chinese nationals.


“Ang mga pagkuha ng ID na ito ang nagiging daan daw nila para maging legal na residente sa
Pilipinas at magkaroon ng Philippine passport… Ang mas masakit na tanong: May mga
kasabwat ba sila sa loob ng mga ahensya ng gobyerno?” tanong ni Hontiveros.


Kung bubusisiin daw natin ang lumalalang tensyon sa pagitan ng Beijing at Manila dahil sa
agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea, sinabi ni Hontiveros na nakaaalarma na nabigyan
ng “all-access pass” ang mga ito sa pamamagitan ng POGO.

BASAHIN  PBBM, nagpaabot ng pakikiisa sa Japan


Hiniling ni Hontiveros, pati na siyam pang Senador kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na
gradual na isara ang mga operasyon ng POGO at tuluyan na itong i-ban dahil sangkot sila sa
maraming krimen.


“Dapat i-ban na ni Presidente ang mga POGO. Kung totoong gusto niyang depensahan ang
bansa natin laban sa mga nambabastos sa ating soberanya, isama niya na ang buong
industriya ng online gambling sa mga pinapalayas sa ating teritoryo,” dagdag pa ng senadora. 
Sinusuportahan si Hontiveros ni Senador Win Gatchalian. Sinabi ni Gatchalian na labis na
dumami ang mga krimen na kaugnay ng operasyon g POGO sa bansa, at ito raw ay labis na
nakababahala. Idinagdag pa niya na sangkot ang POGO operators sa online scam at may mga
koneksyon sila sa mga sindikatong kriminal.


Nilinaw ni Gatchalian na matagal nang nai-ban ang operasyon ng POGO sa maraming bansa,
at dapat nang sumunod ang Pilipinas.


Pumirma ang 10 Senador bilang pagsuporta sa tuluyang pag-alis ng POGO sa bansa. Ito ay
sina Senador: Ronald dela Rosa, Pia Cayetano, JV Ejercito, Ramon Tulfo, Grace Poe, Risa
Hontiveros, Loren Legarda, Joel Villanueva, Aquilino Pimentel III at Hontiveros.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

Listahan ng mga pumirma para sa impeachment ni VP Sara Duterte

Ferdinand A. Marcos                       1st Ilocos Norte Aurelio Gonzales                              3rd Dist. Pampanga Manuel Jose Dalipe                         2nd District Zamboanga City Jurdin Jesus Romualdo                  Camiguin David Suarez                                     ...