Pagdinig ng senado sa impeachment, dapat ora mismo—Brosas

Share

ITO ang ipinapahiwatig ni Congresswoman Arlene Brosas ng Gabriela Women’s Party-list sa ilalim ng Makabayan Group, sa “The Agenda” media forum na ginanap sa Club Filipino sa San Juan City, kahapon ng umaga.

Sagot ito ng mambabatas sa sinabi ni Senate President Francis Escudero na walang mangyayaring impeachment trial sa panahon na naka-session break ang senado.

“Sa tingin po kasi namin, walang ibang time na pupuwede. Hindi mo [kasi] puwedeng takdaan ng time yong pagkakaroon ng impeachment court. Puwede [namang] gawin yan ngayon at [puwedeng] magpatuloy sa mga susunod [na next congress],” ang pahayag ni Brosas.

Sinabi pa ng kongresista na [maaaring] iniisip umano ng senado na tatagal ang impeachment trial dahil marami silang naisumiteng Articles of Impeachment na kailangang talakayin muna ng mga senador.

“Sa tingin po namin sa Makabayan Block ay puwedeng gawin yon (impeachment trial) at any point of time ng senado. Puwede ngang magsabi ang pangulo[ng BBM] na mag-special session kayo [dyan sa senado] for this particular [matter],” dagdag pa ng mambabatas.

BASAHIN  Bilang ng drop-outs sa high school tataas – Brosas

Matatandaan na inamin ni Escudero na kinikilala niya ang nasabing probisyon dahil posible nga naman talaga itong mangyari dahil ginagawa lamang ito karaniwan na ng isang pangulo sa tuwing naka-break ang senado.

“Oo, pwedeng mangyari yun. Pero ang pagpapatawag ng special session, sa aking pagkakaalam, ay hindi para mag-convene ng impeachment court,” ang pahayag ng senador sa isang media forum.

“Ayun sa ating Saligang Batas, hindi ito isa o saklaw marahil nung probisyong yun kaugnay ng special session. Sa akin kasing pagkakaalam, ang pagpatawag ng special session ay para sa mahahalagang bagay at panukalang batas na kailangang ipasa,” giit pa ni Escudero.

Giit naman ng kongresista: “Saka wala pong excuse ang senado kasi trabaho nila yon. Duty bound po sila na tanggapin yon pag na-transmit at gumawa ng paraan para gawin yong trabaho nila o mandato na magtayo ng impeachment court.”

“Hindi sa minamadali namin sila, pero they have to act on it, yon ang mahalaga. They have to convene as an impeachment court,” pagtatapos ni Brosas.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Benta ng mga sasakyan lomobo ng 30.7 percent

TUMAAS ang benta ng sasakyan ng 30.7 percent sa unang anim na buwan ng 2023. Umabot ang benta sa 202,415 units sa unang dalawang quarters...