MARIING sinabi ni Senador Francis Tolentino nitong Huwebes na agarang solusyunan ang suliranin ng mga pamilya ng tatlong mangingisda na namatay, pati na 11 nakaligtas nang banggain sila ng isang barko 85 nautical miles mula sa Bajo de Masinloc.
“Mas maganda siguro mabigyan natin ng hustisya rin itong mga namatayan without waiting for the results of, for instance, the reply coming from Singapore or from the flag state.” Saad ni Tolentino, sa pagdinig sa naturang insidente, na ginawa ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones.
Sinabi ng panel chairman na, kahit na hindi natin balewalain ang international law, hindi na dapat pang hintayin ang resulta ng imbestigasyon, dahil kailangang kaagad ang tulong ng mga pamilya ng nabiktimang mangingisda.
“Huwag na natin hintayin ‘yong ilang provisions ng international law na mabuksan dito. Mas maganda siguro we assert jurisdiction, ‘yong criminal jurisdiction ng coastal state,” ayon sa senador.
Hiniling ni Tolentino ang State Counsel at ang mga kinatawan ng ahensya ng gobyerno na nasa
pagpupulong na kaagad kausapin ang mga pamilya para magkaroon ng katanggap-tanggap na resolusyon.