33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

2 OFWs Napatay sa Israel; 70 OFWS naiipit sa Gaza

IPINAHAYAG kahapon ng ating embahada sa Israel ang pagkamatay ng dalawang Pilipino sa
Israel at Gaza Strip dahil sa paglusob ng grupong Hamas.


Hindi kinilala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang dalawang biktima sa kahilingan ng
kani-kanilang pamilya.


Sinabi ng DFA na ang isang napatay ay 42-anyos na lalaki mula sa Pampanga, samantalang ang
ikalawa ay isang 33-anyos na babaing caregiver na taga Pangasinan, na bagong kasal.


Ayon kay Israel Vice Consul Patricia Narajos, inaalam pa ang pagkakakilanlan at nationality ng
ikatlong napatay kung ito nga ay Pilipino.


Sa kabuuan, may 32 pang Pilipino ang iniulat na nawawala at 26 na ang nai-rescue.

BASAHIN  Death toll sa malakas na lindol sa Japan, umabot na sa mahigit 80


Iniulat ng DFA na 70 Pilipino ang humihiling ng repatriation mula sa Gaza City, pero halos
imposible raw ito dahil naka-bloackade ang buong Gaza Strip. Ipinagbabawal ng gobyerno ng
Israel ang pagpasok at paglabas ng sinoman sa Gaza strip, pati na rin ang humanitarian aid
kagaya ng gamot, pagkain, tubig, at fuel.


Samantala, iniulat ng CNBC TV na kahapon, umabot na sa 1,200 na Israeli ang napapatay, at
mahigit 2,700 ang nasugatan. Sa Gaza Strip naman, mayroong 950 ang Palestinian ang napatay
at mahigit 5,000 ang nasaktan.


Mayroong mahigit 30,000 OFWs sa Israel at 5,000 estudyante at residenteng Pilipino.

BASAHIN  Ilang Pilipino sa Gaza, ayaw ng Repatriation

Related Posts:

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA