NAKIPAGPULONG nitong Lunes, si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary
Alfredo Pascual sa mga opisyal ng Australian firms na Southern Infrastructure Pty Ltd. at
Kaizen ANZ Pty Ltd. Southern Infrastructure para sa pagtatayo ng nuclear reactor sa bansa
.
Plano ng dalawang kumpanya ang pagdi-develop, pagtatayo, at pag-ooperate ng inisyal na 40
megawatts na Thorium fueled simple – high – temperature gas-cooled reactor – STGR20 (V).
Bukod dito, magiging mura ang halaga ng kuryente na A$0.0.038 per kilowatt hour.
Ayon pa sa DTI, makakapag-prodyus ang sistema ng “green hydrogen” para sa transportasyon,
desalinated water bilang by-product, at “gamma radiation” bilang by-product para sa
pangmatagalang storage ng food products.
Magsisimula ang proyekto sa kalagitnaan ng 2024 at matatapos sa 2027. Inaasahang mahigit
1,000 lokal na trabaho ang maibibigay nito sa construction at operasyon ng planta.
Ayon pa sa DTI, ang Southern Infrastructure at Kaizen ay eksperto sa kumplikadong
infrastructure projects, para sa gobyerno at pribadong sektor, hindi lang sa Australia kundi
maging sa maraming panig ng mundo.
Ayon kay Engr. William Juan, malaking tulong ito para maibaba ang presyo ng kuryente sa
mga lugar na paglilingkuran ng power plant.