33.4 C
Manila
Thursday, January 23, 2025

Lola ligtas sa 4 na holdaper

Ligtas ang isang 69-anyos na lola matapos tambangan ng apat na binatilyo saka hinoldap at agad ring nalambat sa isinagawang follow up operation ng Navotas Police, kamakalawa ng madaling araw sa Navotas City.

Inilipat muna ng pulisya sa pangangalaga ng Navotas-Bahay Pag-asa ang apat, na may edad mula 15 hanggang 17, habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa pagpi-prisinta sa kanila sa piskalya kaugnay sa kakaharaping kasong panghoholdap.

Sa ulat ni P/SSg Edison Mata kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, sakay ng isang e-bike ang biktimang si Lourdes Tuazon, vendor , residente ng Blk-13, L25, PH2 A3, Dagat-dagatan, Brgy Longos, Malabon City, patungong Divisoria bandang 2:30 ng madaling araw nang harangin ng mga suspek sa Pama-Sawata Bridge, Brgy. NBBS.

BASAHIN  Querubin: Saloobing mapaghiganti, itigil na

Tinutukan ng patalim ang matanda ng 17-anyos na suspek habang pinagtulungan hablutin ng tatlong kasabwat ang shoulder bag na naglalaman ng salapi, alahas, cellular phone, ATM card at iba’t-ibang identification cards bago nagsitakbuhan patakas.

Nagkataong nagpapatrulya malapit sa tulay sina P/Cpl. John Castillo at P/Cpl. Abdallah Odero ng Navotas Police Sub-Station 4 na nahingan agad ng tulong ng biktima na nagresulta sa pagkakadakip sa mga binatilyong pasaway.

Nabawi sa apat ang shoulder bag ng biktima, pati na ang mga laman nito at nakumpiska mula sa kanilang lider ang isang patalim na ginamit sa panghoholdap.

Nabatid na ang grupo rin ang responsable sa panghoholdap sa mga estudyante na dumadaan sa C-3 Road at Pama-Sawata.

BASAHIN  VP Inday, nagpasalamat kay PBBM, atbp.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA