TATLONG Pilipinong mangingisda ang namatay, matapos banggain ng isang barko ang
kanilang bangkang pangisda sa South China Sea.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) ang oil tanker Pacific Anna, na naka-rehistro sa the
Marshall Islands ang bumangga, dahil ito lamang ang malaking barko na nasa lugar sa mga
oras na naganap ang insidente.
Sinabi pa ng PCG na ang insidente ay nangyari madaling-araw ng Oktubre 2, halos 157
kilometro sa hilagang-kanluran ng Scarborough Shoal.
Kasalukuyan umanong naka-angkla ang bangkang FFB Dearyn, nang bigla na lang itong
banggain ng tanker, na nagresulta sa paglubog nito. Nakalangoy pa paibabaw ang isang crew,
pero nalunod ang kapitan ng kangka at kasama nito dahil sa umano’y tinanong head injuries ng
mga ito dahil sa pagkakabangga.
Nakabalik lamang ang 11 survivor na mangingisda gamit ang walong maliit na bangka pauwi
sa Infanta, Pangasinan.
Samantala, sinabi ng ilang mambabatas kahapon na dapat mabigyang nang mabigat na parusa
ang crew ng oil tanker na bumangga sa bangka ng ating mangingisda at nag-iwan sa mga ito.
Kinondena ni Sen. Risa Hontiveros ang crew ng tanker. Idinagda niya, “It is deplorable that
the vessel left the Filipino fishing boat and our citizens in the water. This despicable act is an
affront to all Filipinos.”
Idiniin ni Senador Francis Tolentino, tagapangulo ng special panel on Philippine Maritime and
Admiralty Zones, na kailangang ipasa sa Kongreso ang Maritime Zones Bill na siyang
magtatatag nang legal na basehan kung paano dapat gawin ang mga aktibidades sa naturang
lugar. Kailangan daw maprotektakan ang ating mga mangingisda.
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gagawin ng gobyerno ang lahat ng paraan para
mapanagot ang mga may kagagawan nito. Sinabi rin niya na tutulong ang gobyerno sa mga
biktima pati na kanilang mga pamilya.