33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Tulak na ala-palos nalambat sa P632-K shabu sa Antipolo

Nalambat ng mga tauhan ng Antipolo Police ang isang gasoline boy na ala-palos kung kumilos matapos ma-trap sa isinagawang drug buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Barangay Sta  Cruz, Antipolo City.

Ayon kay PCol. Rainerio De Chavez ng Rizal Police Provincial Office inaresto ng mga operatiba ng Antipolo CPS ang suspek na si Alyas Chris, residente ng Brgy. San Rafael, Rodriguez, Rizal. 

Inaresto ang suspek bandang 11:00 kamakalawa ng gabk sa

kahabaan ng Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City, matapos ang halos isang buwang pag-surveillance sa suspek at makailang beses na rin nilang tinangka na masakote ito subalit masyadong mailap at mala-palos kung magtago

Na-trap ang suspek matapos maaktuhang  nagbebenta ng isang sachet ng shabu na may halagang P500  sa isang pulis na umaktong poseur buyer at agad na dinamba matapos ang palitan ng shabu.

BASAHIN  Kotongerong MMDA enforcer, tiklo sa entrapment ops

Nakumpiska mula sa suspek ang  shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P632,400.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Antipolo CPS Custodial Facility at sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165.

“Ang Rizal Police Provincial Office ay magpapa tuloy sa paghahatid ng tapat at patas na serbisyo-publiko at ang pagkaka-aresto sa suspek ay nagpapakita ng mahigpit na kampanya ng ating Kapulisan upang wakasan ang paglaganap ng iligal na droga at ang matinding pagnanais na mapanagot ang mga nagkasala rito”, ayon kay De Chavez.

Nabatid na mula pa noong 2019 ay tulak na ang suspek. Ang operasyon na isinasagawa ng Rizal PNP ay 24-oras na minonitor makaraang magpositibo sa illegal na gawain ng suspek.

BASAHIN  Top 1 wanted ng Pasig nasakote sa manhunt

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA