33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Teritoryo ng bansa patuloy na ipagtatanggol—Marcos

NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Biyernes na patuloy na ipagtatanggol ng
kanyang administrasyon ang teritoryo ng bansa, pati na rin ang karapatan ng ating mga
mangingisda.

Ginawa ni Marcos ang pangako habang pinanindigan niya na ang pagtanggal sa illegal na
floating barriers na inilatag ng China Coast Guard papasok sa Scarborough Shoal o Bajo de
Masinloc.

Sa isang interview sa bahagi ng Siargao Island, Surigao del Norte, idiniin ni Marcos patuloy
niyang igigiit ang karapatan ng bansa sa mga karagatan ng Pilipinas, pero nilinaw niya na hindi
siya naghahamon ng away sa China.

“Hindi tayo naghahanap ng gulo. Basta gagawin natin, patuloy nating ipagtatanggol ang
Pilipinas, ang maritime territory ng Pilipinas, ang mga karapatan ng mga fishermen natin na
mangisda doon sa areas kung saan sila nangingisda daang-daang taon na,” saad ni Marcos.

“Kaya’t hindi ko maintindihan bakit nagbago ng ganito. Basta’t kagaya ng sabi ko, umiiwas nga
tayo sa gulo, umiiwas tayo sa mga maiinit na salita ngunit matibay ang ating pagdepensa sa
teritoryo ng Pilipinas,” dagdag pa ng Pangulo.

BASAHIN  35% ng ARMM Teachers, kulang sa reading skills!

Sinabi ni Marcos na ang kanyang aksyon ay makatutulong para madagdagan ang huling isda ng
ating mga mangingisda.

Iginiit niya na hindi niya papayagan ang anumang bansa na maglagay ng barrier sa loob ng
teritoryo ng bansa.

Ipinaliwanag ng Pangulo, “But in terms of taking down the barrier, I don’t see what else we could
do dahil talaga ‘yung mga fishermen, noong pinutol ‘yong tali, ‘yung mga nakapasok na
fishermen noong araw na ‘yun, nakahuli sila ng 164 tons na isda. So, sa isang araw pa lang
‘yun.”

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Huwebes na pinag-aaralang mabuti ng
ating pamahalaan ang “case build-up” laban sa China, dahil sa ilegal na paglalagay ng floating
barriers sa entrance ng Bajo de Masinloc.

Pinag-aaralan din ng legal team ng bansa ang angkop na reklamo na ihahain laban sa China sa
the Hague-based Permanent Court of Arbitration (PCA) o sa International Court of Justice.

BASAHIN  May bagong college of medicine sa La Union

Ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea, ang Bajo de Masinloc ay bahagi ng
bansa, kaya hindi mapag-aalinlanganang may soveranya rito ang Pilipinas.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA