Inaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang miyembro ng Manila Police District (MPD) sa bisa ng warrant of arrest, kamakalawa sa Tondo, Manila City.
Ayon kay P/Brig. Gen. Warren De Leon, Director ng PNP-IMEG, inaresto si PCpl Mark Manuel Co, 40-anyos, active member ng MPD na nakatalaga sa Pritil Police Station 1 (PCP-1) sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Manila Regional Trial Court, Branch 29 sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at physical Injuries.
Si Co ay hinatulan ng limang taong pagkakabilanggo dahil sa kaso at pansamantalang nakakulong sa IMEG Headquarters Custodial Facility para sa documentation.
Sinabi pa ni P/Brig. Gen. De Leon, na hindi nila ito-tolerate ang kamalian ng mga tauhan ng PNP at mga iilang tiwaling pulis na may atraso sa batas dahil handa ang PNP-IMEG na ipatupad ang mandatong habulin at panagutin ang mga pagkakamali sa batas.