33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

CCG patuloy ang panliligalig sa pilipinong mangingisda

KUNG patuloy na harassment o panliligalig ng Chinese Coast Guard sa mga
mangingisdang Pilipino na nangingisda sa may bahagi ng Scarborough Shoal, tuluyang
nang mawawalan sila ng hanapbuhay at magugutom ang kanilang pamilya.


Ikinuwento ng isang mangingisda na tawagin na lamang natin sa pangalang Ariel, ang tila
eksena sa pelikula na habulan sa karagatan na tumagal nang ilang minuto.

Sinubukan daw nilang maunahan ang mga sasakyang-dagat ng China pero hindi sila nakalusot sa bahura na kontrolado raw nito.


Nasaksihan nitong Biyernes, ng mga reporter ng Agence France-Presse ang habulan,
habang sakay ng BRP Datu Bankaw na barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic
Resources (BFAR).


Maghahatid ng pagkain, tubig, at fuel ang barko ng BFAR sa mga mangingisdang Pilipino
na nangingisda sa bahagi ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

BASAHIN  Chinese envoy, alis diyan!


Patuloy na nagrereklamo sa Administrasyong Marcos ang mga mangingisda sa
pamamagitan ng interview sa radio at telebisyon, pero hanggang sa ngayon, wala pa
diumanong aksyon para tuluyan nang mapalayas ang China sa ating teritoryo.


Sinabi pa ng isang mangingisda na tuwing mangingisda sila sa Scarborough Shoal, palagi
silang itinataboy ng China Coast Guard, kaya madalas silang umuwi na kakaunti o walang
huli.


Pasok ang Scarborough Shoal 200-mile economic zone mula sa baybayin Zambales,
samantalang ito ay 900 kilometro mula sa mainland China.


Samantala, kinondena ng Philippine Coast Guard at BFAR ang Chinese Coast nang ilegal
na paglalagay ng 300-metrong floating barrier para hindi makapasok sa Scarborough Shoal
ang ating mga mangingisda.


Sinabi ng Department of Foreign Affairs na magpa-file uli sila ng diplomatic protest laban sa
China.

BASAHIN  DOT, nakapagtala ng mahigit 5-M international tourist arrivals

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA