33.4 C
Manila
Monday, January 20, 2025

BF pumanaw na

Punanaw na ang dating Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando sa edad sa 77-anyos dahil sa umano’y aksidente habang may kinukumpuni sa bubungan ng kanilang bahay sa Monte Vista Subdivision, Barangay Industrial Valley Complex,  Marikina City.

Si Fernando  na mas kilala sa tawag na BF ay dating Marikina 1st District Representative mula 2016 hanggang 2022, bago naging mayor ng Shoe Capital ng bansa.

Ayon sa report, isinugod si Fernando sa Quirino Memorial Medical Center matapos na mahulog mula sa bubungan ng kanilang bahay at binawian ng buhay bandang 12:36 Biyernes ng tanghali.

Inulila ni BF ang kanyang ng maybahay na si Marides Fernando.

Ayon Kay Lito Nicolas, dating chief of staff ni BP, nagsasagawa ang dating mayor ng repair sa bubungan ng kanyang bahay ng aksidente itong mahulog.

BASAHIN  Pwedeng I-shut-down ng China ang ating kuryente, Telcos

 Samantala, ikinalungkot naman ng pamunuan ng  MMDA ang balitang pagkamatay ni Chairman Bayani Fernando.

Sa statement ng MMDA, labis silang na-shocked sa nangyari kay BF na nagsilbing chairman ng ahensiya mula June 5, 2002 hanggang November 25, 2009.

Si Fernando na inilarawan bilang “man of few words” ay isang mechanical engineer at nakilala sa pagiging “scientific at practical” sa paglutas sa mga problema  ng Metro Manila.

Bukod sa pagiging hindi palasalita, workaholic din ito at disiplinarian sa kanyang mga tauhan sa MMDA.

Nang pamunuan nito ang MMDA isinulong ni BF ang rapid bus lanes at “Metro Guapo” campaign na nag-transform sa NCR bilang livable metropolis.

Si BF ay nanungkulan bilang mayor ng Marikina at doon ay Kinilala siya sa kanyang pamamaraan ng disiplina at doon ay naitransporma nya ang Marikina bilang pinaka-disiplinadong Lungsod

BASAHIN  Pondo ng DSWD, ginagamit nga ba sa pagpapapirma sa PI?

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA