NABUKSAN ang pagkakataon para sa mahigit 100 OFWs na nakabase sa Taiwan na tumanggap
nang malawak na training sa pagtatanim ng palay, gulay, at iba pang produktong pang-
agrikultural.
Sa ilalim ng memorandum of understanding sa pagitan ng Manila Economic and Cultural Office
(MECO) at AgriGaia Social Enterprise, bibigyan nang pagkakataon ang mga kwalipikadong OFWs
na nasa Taiwan na magsanay sa Kaohsiung.
Pasok sa libreng agricultural training ang OFWs na matatapos na ang kontrata at pabalik na sa
Pilipinas, o mga yaong aktibo pa rin ang kontrata, sa mga araw na wala silang pasok.
Kasama rin sa kasunduan ang isa pang programa nang pagsasanay sa agriculture students na
mula sa Benguet, Masbate, at iba pang probinsya.
Sinabi ni MECO Chair Silvestre Bello III, malaking tulong ito sa pagsasaka sa bansa. Ang bagong
teknolohiya ay pwedeng ituro ng mga nakapagtapos ng training sa iba pa nating magsasaka para
mapahusay nila ang kanilang ani.
Samantala, inianunsyo ng Taiwan ang isang taong extension nang walang visa para sa mga
mamamayan ng Pilipinas, Thailand, at Brunei na gustong magtungo rito. Ang prebilihiyong ito na
nagtapos nitong Hulyo ay na-extend hanggang Hulyo 31, 2024.