33.4 C
Manila
Monday, June 23, 2025

₱405-K shabu nadale sa buy bust sa Makati

Umaabot sa P405,000 halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang lalaki na nakipagtransaksyon sa hindi niya inakalang pulis, ang nalambat sa ikinasang buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Makati City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at West Rembo Substation, sa Barangay Cembo, Makati City.

Nakilala ang dalawang suspect na sina Nico Negapatan, alias Amoy, 22-anyos at Jeffrey Sebastian, 42-anyos na kapwa inaresto bandang  12:10 Lunes ng madaling araw sa  Guiho Street, Barangay Cembo, Makati City matapos ang naganap na transaksyon sa pagbili  ng droga ang isang pulis na umaktong buyer.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 13 piraso ng plastic sachet na may timbang na 59.7 grams na nagkakahalaga ng P405,960.00 at  P500 buy bust money  

BASAHIN  UV Express, jeepney 3 buwan pang aarangkada sa kalsada

Samantala, pinuri ni Southern Police District (SPD) Director PBrig Gen Roderick Mariano ang Makati Police sa pagkakaaresto sa dalawang suspect na may kaugnayan sa illegal na droga.

BASAHIN  Private vehicles, nangungunang pasaway sa Edsa bus lane —DOTr

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA