33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

BSK officials, ipagpatuloy n’yo ang trabaho – Tolentino

NILINAW ni Senador Francis “Tol” N. Tolentino na walang batas na pumipigil sa mga opisyal ng
barangay na ipagpatuloy ang kanilang pagganap sa tungkulin, kahit na kung ito’y maging dahilan
para makalamang sila sa mga katunggali sa eleksyon.


Kinumpirma ito ni Commission on Elections (Comelec) Chair George Garcia sa lingguhang
programa ni Tolentino sa MBC-DZRH.


“Sa lahat ng 42,027 na barangay officials sa buong bansa, muli, hindi pinipigilan ng Comelec, at
tama po wala ring batas na pumipigil sa inyo na kayo po ay mag-perform ng inyong mga trabaho
hanggang sa matapos ang termino ninyo sa November 1 po,” sinabi ni Garcia.

BASAHIN  PRC, agad tumugon sa biktima ng lindol sa Surigao


“‘Yung official functions at tsaka yung estado bilang kandidato ngayon ay hindi dapat makaapekto
sa delivery of services ng mga barangay,” ayon kay Tolentino.


Ayon pa sa Senador, mahalaga ang paglilinaw na ito dahil ang mga opisyal ng barangay ay dapat
maging epektibo sa pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin kahit sa election season.

BASAHIN  91-m botante, susugod sa okt. 30 BSKE

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA