33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

2 Suspects arestado sa carnapping, gun ban violation

DALAWANG suspects, isa ay menor de edad, ang inaresto sa Pasig City dahil diumano sa
carnapping at paglabag sa Comelec gun ban, nitong Lunes ng gabi.


Inireport sa pulisya ng isang 33-taong negosyante na nawawala ang kanyang motorsiklong
Yamaha Mio Sporty, na nakaparada sa labas ng kanyang bahay.


Nahuli sa isang follow-up operation ng Pasig City Police ang isang kinse anyos na lalaki na
nagmamaneho ng isa pang motorsiklo, ang Suzuki Smash, habang itinutulak ng isang 20-taong
suspect sa Amang Rodriguez Avenue, Barangay Manggahan.


Nakumpiska sa suspects ang isang kalibre .38 revolver, na walang serial number na may
dalawang bala, at isang granada.

BASAHIN  489,849 child pornography sites, hinarang ng Globe


Napag-alaman sa imbestigasyon na ang Suzuki Smash ay pag-aari ng isang nagreklamo, isang
29-taong negosyante na taga Barangay Manggahan.


Ikinanta ng mga suspect ang kanilang kakutsaba sa krimen na sina alias Jelal at alias Rex,
parehong taga-Barangay Pinagbuhatan.


Samantala, nahuli si alias Jelal sa isang follow-up operation. Nabawi sa kanya ang
motorsiklong Yamaha Sporty na pag-aari ng isang babaing tinder.


Himas-rehas na ngayon ang mga suspect dahil sa paglabag sa Comelec gun ban, at illegal
possession of explosives.

BASAHIN  Mahigit 4,000 pulis, dinisiplina ng PNP

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA