SINUSPINDI ng MTRCB ang noontime variety show na It’s Showtime kahapon, sa loob ng 12
airing days dahil sa diumano’y kalaswaan nina Vice Ganda at Ion Perez sa episode ng ipinalabas
nitong Hulyo.
“Viewers have lodged multiple complaints before the MTRCB concerning the show’s 25 July 2023
episode wherein the program’s hosts allegedly acted in an indecent manner during one of its
segments, ‘Isip Bata,'” the review body said.
Maaaring umapela sa Tanggapan ng Pangulo ang ABS-CBN, producer ng show, sa loob ng 15
araw pagkatanggap ng opisyal ng desisyon.
Sinabi naman ng ABS-CBN na wala diumanong paglabag ang programa sa PD 1986 o ang
MTRCB Charter.
Matatandaang nauna nang sinuspindi ng MTRCB noong 2010 ang programa na dating tinawag
na Showtime dahil din sa isyu ng kabastusan sa ere.
Hindi maintindihan ng ilang observers kung bakit sinabi ng ABS-CBN na wala raw paglabag sa
MTRCB charter ang It’s Showtime, in short, hindi raw ito malaswa, kahit na totoong malaswa ito, at nakarurumi sa moral lalo na sa mga bata, ang naturang segment na naging basehan para
suspindihin ito. Lumalabas daw tuloy na puro wala sa katinuan at sinungaling ang maraming
taong nagreklamo sa kontrobersyal na segment.
Kaya raw natatanggalan ng prangkisa ang ABS-CBN dahil sa hindi pagsunod sa batas at baluktok
na pangangatwiran nito, ayon sa isang netizen.