33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Mayor Vico mamumudmod ng P1,500 allowance sa lahat ng mag-aaral sa Pasig

Mamumudmod ng P1,500 transportation allowance si Pasig City Mayor Vico Sotto sa lahat ng mag-aaral sa Pasig City mula Kindergarten hanggang Grade 12 (K-12)  ngayong school year 2023-2024.

Paliwanag ni Pasig City Mayor Vico Sotto, ito ay bilang pambawi lamang sa naantalang pamamahagi ng school supplies dahil sa palpak umano ang mga produkto at nagkaroon ng delays sa pamamahagi.

“Ako po ay humihingi ng pasensya. First time lang din natin ito; maaasahan niyo na sa susunod na school year ay mas aagahan namin ang time-line,” ayon kay Sotto.

Nilinaw ni Sotto na ngayong taon lamang at school year 2023-2024 mamimigay ng P1,500 na makakatulong din naman sa mga magulang at ipinapangakong mas magagandang klase at maaga ang pamamahagi ng school supplies sa susunod na taon.

BASAHIN  Masisilungan ng riders, hiniling sa gas stations, delivery companies - MMDA

Sisimulan ang pamamahagi ng transport allowance sa Sept. 6 hanggang 15 sa lahat ng pampublikong paaralan sa Pasig.

Sinabi pa ni Sotto na disqualified na sa kanya ang supplier dahil nagbigay ito ng substandard quality o materials para sa ipamamahaging supplies na tulad ng bags, notebooks, ballpens, pencils, color pens, at crayons.

BASAHIN  87 katao nasampolan, 19 sasakyan in-impound ng MMDA

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA